Archive for May, 2007

ang buntong hininga… bow!

Wednesday, May 23rd, 2007

Recently ay na-discover ko ang sarap pala talaga magbuntung hininga.

Deep breath ang translation para sa mga Inglesera.

Sigh naman para maintindihan kung text addict ka.

May kakaibang feeling na sa masikip na dibdib ay nakakaginhawa.

Pag magulo ang paligid, ang sarap magbuntong hininga.

Pag may naalalang nakakatawa, kay sarap magbuntong hininga.

Pag naguguluhan, sa sarili o sa iba, kay sarap magbuntong hininga.

Pag may problema, pag naululungkot ang sarap magbuntong hininga.

Pag naiinlove at nilalabanan, ang sarap mag buntong hininga,

Pag masarap ang usapan, ang sarap magbuntong hininga.

Pag pangit ang kausap, mas masarap mag buntong hininga.

Pag walang kausap, mas malalim ang buntong hininga.

Pag maganda ang music, ang sarap magbuntong hininga.

Pag pangit ang pelikula, ang sarap mag buntong hininga.

Pag malakas ang ulan at stuck ka sa traffic, ang sarap mag buntong hininga.

Pag sobrang init, mahirap magbuntong hininga…

As a matter of fact, sa sobrang init ang hirap huminga…

Biruin mo naman ang taong busog, kay sarap magbuntong hininga.

Sa lahat ng oras, panahon, sitwasyon, pangyayari sa buhay.

Maganda, pangit, malungkot o masaya…

masarap ito samahan ng malalim na buntong hininga…

Ang galing ni Lord at inimbento niya ang buntong hininga…

Alam Niya kasi na ito ay nakakagaan sa may mabigat na dala.

Mabuti na lang merong buntong hininga at sa isang saglit parang mga iniisip ay wala na.

Merong matching attitude na bahala na…

O di kaya mga sa isip at puso ay natanggap na ganun talaga…

Iyan ang buntong hininga masarap, subukan mo ng maniwala ka…

Yun lang po. Tapos na. The end na. (deep breath)